HomeRegisterLog in

Share | 
 

 SL #03 & SL #04 Rohann

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
suMMerfieL
Moderator
Moderator


Posts : 197
Join date : 2010-03-01
Location : Villamor Air Base, Pasay City.

PostSubject: SL #03 & SL #04 Rohann   April 5th 2010, 11:17 pm


Rohann, Heart of the Raging Storm 1


"Masaya na ako na alam mong mahal kita at alam ko rin na gusto mo ako. Nagkakaintindihan na tayo n'on. Until such time you can love me, I'm willing to wait."


Teaser:


Nagtungo si Kimberly sa Baguio upang hanapan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon upang makita ang taong dahilan ng maagang pagkawala ng kanyang kuya. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Rohann Madrigal, ang kapatid ng taong hinahanap niya. At lalong hindi niya inakalang agad na mahuhulog ang loob niya rito. She was in fact so inlove with Him. Kailanman ay hindi niya maaatim na gamitin ito para lang maghiganti ang kanyang pamilya. Alam niyang may ibang paraan para makakuha siya ng katarungan.

But things got out of hand. Nagbanta ang grupo ng kuya niya. Nabunyag kay Rohann ang dahilan ng pag tungo niya sa Baguio.

At ang pagmamahal na sa tuwina ay nasasalamin niya sa nga mata nito ay napalitan ng ibayong galit...




Rohann, Heart of the Raging Storm 2


"You are the only memory I can't let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat. I want to make it real..."



Teaser:


Nang malaman ni Kimberly na namatay si Rohann, kasama na ring namatay ang kanyang puso. At sa loob ng maraming taon, nabuhay siya sa kalungkutan. Batid niya na kailanman ay hindi na siya magiging masaya. Sa pagpunta niya sa Sagada, ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang binata. Akala pa nga niya ay nagmumulto ito. But he was real.

Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Babawi siya sa lahat ng nangyari sa nakaraan. At sisikapin niyang mahalin uli siya nito gaano man kahirap gawin iyon dahil ang kaligayahan niya ang nakataya.

_________________________________________________


-- ..I want to be your sweet cookie in this bitter coffee world.. --
Back to top Go down
http://planet-indigo.heavenforum.com/profile.forum?mode=viewprof
 
SL #03 & SL #04 Rohann
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: SOFIA'S HAVEN :: Skylander Series (Sofia)-
Jump to: